ECOWEB pinag-isa ang boses ng mga kabataan, Learning review inilunsad

Binuksan ang kaisipan at hinubog ang kaalaman ng mga kabataan na nakilahok sa aktibidad na pinangunahan ng EcoWEB na pinamagatang Cluster-Based Learning Review for the Youth ng Marawi Response Project o MRP na sinuportaan ng USAID at Plan International noong ika-23-25 ng Agosto taong 2019.

Layunin ng MRP na dagdagan ang opportunidad ng indibidwal at kumonidad na naapektuhan ng Marawi siege. Bukod dito, tunguhin din ng proyekto ang aktibong pag-ambag sa mga Internally Displaced Persons (IDPs) at host families ang pagtiwala sa sariling kakayahan sa pamamaraang mabawasan ang banta ng marahas na ekstremismo lalo na sa sector ng kabataan.

Sa pagtatapos ng unang taon na implementasyon ng proyekto, ninanais ng EcoWEB na talakayin ng mga kalahok ang kanilang natutunan at mungkahi para sa karagdagang pagpapabuti nga proyekto.

Ang mga partisipante ay binubuo ng mga kumpol na nagmumula sa sector ng IDPs, LGU, at host family. Mga kabataang galing sa munisipalidad ng Pantar, Baloi, Butig, Pantao Ragat, Kapai at syudad ng Iligan ang dumalo sa tatlong-araw na aktibidad.

Makikitang maraming hinaharap na mga problema ang mga kabataan hindi lamang sa pansariling kapakanan kung di problemang pampamilya at panlipunan. Sa mumurahing edad, inilahad nila kung gaano kahirap pumasan ng kahirapang makapag-aral at magkaroon ng trabaho upang makatulong sa pamilya.

Ang CBLR ay nagbigay daan upang makita ng ibang kabataan ang iba’t ibang problemang kinakaharap ng sa ibang pamayanan.

“Napukaw ang aking mga mata sa mga problema ng mga kabataan sa ibat-ibang lugar lalo na sa Lanao del Sur. Marami rin kaming natutunan sa kanila at mas lumawak ang aming kaalaman hingil sa problema ng mga kabataan dito sa Mindanao.” ayon kay Vera Mae Bado, Sangguniang Kabataan chairperson ng Upper Hinaplanon, Iligan City.

Marahil tanging karapatan ng mga kabataan ang magsaya. Kaya sa tatlong-araw na puno ng aral, aktibidades at pagbuo ng bagong mga kaibigan, sumailalaim ang mga kabataan sa proseso ng learning review at Community-Based Social cards.

Ang mga proseso na ito ay humahantong sa kasagutan kung ano nga ba talaga ang gusto at inaasahan ng mga kabataan hinggil sa kanilang hinaharap na sitwasyon. Kabilang dito ay ang pagtukoy kung sino-sino ang responsable sa pagtugon ng kanilang mga kailangan.

Upang mas makilala pa ang isat-isa, lumahok ang mga kabataan sa amazing race kung saan ang lahat ay natutong makipagkapwa , magtiwala sa isat-isa at matutunan ang mga sangkap ng proyektong ipinatupad. Sinundan ito ng solidarity night kung saan naipakita nila ang taglay na talento sa drama, pagkanta, at pagsayaw.

Natapos ang tatlong araw sa pamamagitan ng pagbigay ng sertipiko at ang baong dunong at karanasang pwede nilang maibahagi sa iba pang mga kabataan.

Panulat | Arven Arceno
Mga Litrato | EG Lacre, Lloyd Cezar, Arven Arceno

#BuildingPartnershipsEmpoweringCommunities
#SurvivorAndCommunityLedResponse
#USAIDMarawiResponseProject
#KabataangEcoWEB
#EmpoweredYouth