Iligan City, patuloy sa pagbangon!

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagbangon ng mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong #BasyangPH na tumama sa Iligan City noong February 5, 2026.

Dahil sa mataas at mabilis na pagbaha sa syudad ay libu-libong pamilya ang nawalan ng bahay o nasiraan, kabilang na ang kanilang mga damit, iba pang gamit at appliances na tila na-washout o tuluyang naanod matapos mag-overflow ang ilog.

Kabilang sa mga naapektuhan ay ang person with disability na si James Daganad na mag-isang residente sa Purok 3-A sa Barangay Tambacan, Iligan City.

“Nag-iisa lang ako sa bahay nang umabot sa baywang ang tubig bago pa ako nakaalis. Na-wash-out ang aking mga gamit at hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na tulong,” kwento ni James.

Karamihan sa mga naninirahan sa barangay na lubhang naapektuhan ng bagyo ay mga nagtitinda sa syudad, magsasaka, drivers, laborers, security guard at labandera. Dalawang lingo matapos sa pagtama ni Bagyong Basyang ay may mga pamilya pa rin na hindi pa nakakabalik sa kanilang hanap-buhay.

Kabilang sa mga pangunahing isyu sa mga barangay ay ang basura at putik sa daan na hindi pa nalilinis, ganun na rin ang mga baradong kanal na naging sanhi sa mabilis na pagbaha.

Nananawagan ang mga naapektuhan na pamilya na sana ay maayos na ang mga nasirang tulay, linisin ang kanal at pagtibayin ang nasirang flood control projects sa syudad.

Kabilang ang piling mga purok sa Tambacan at iba pang barangay sa mga nahatiran ng tulong na family food packs mula sa Iligan City Local Government at tanggapin ni Senador Risa Hontiveros, sa pangunguna ng Iligan City People’s Council (ICPC).

Ang mga nabigyan ng tulong ay ang mga sumusunod:

– Barangay Tambacan:  1,288 Households

– Barangay Tubod: 576 Households

– Barangay Hinaplanon: 2,001 Households

– Barangay del Carmen: 260 Households

– Barangay Suarez: 56 Households

Patuloy ang EcoWEB sa pagtanggap ng mga tulong, either in cash or in-kind. Magbigay tulong sa pamamagitan ng mga sumusunod:

09171756459

Account Name:

Ecosystems Work for Essential Benefits, Inc.

ecoweb2006@gmail.com

Account No.: 0018 0029 3575

SWIFT: BNORPHMM

Del Pilar St., Iligan City

Account No.: 1018 0003 5347

SWIFT: BNORPHMM

Del Pilar St., Iligan City

Every contribution helps.

No one should face disaster alone.

Isinulat nina Jashiem Dimasar, Shane Marie Masayon, Rey Onje Cuaresma, Venice Devine Baclaan at Abegail Danigoy, mga senior high school interns mula sa Iligan Computer Institute at St. Laurence Institute of Technology.